Mga pasilidad sa Diamond Mountain Resort sa NoKor na ipinagawa ng South Korea ipinawawasak ni Kim Jong-un

AP Photo
Pinawawasak ni North Korean leader Kim Jong-un ang mga hotel at iba pang tourist facilities sa Diamond Mountain Resort sa NoKor na gawa ng South Korea.

Ayon sa Korean Central News Agency, personal na nagtungo sa resort si Kim kung saan inilarawan nito ang pasilidad bilang “shabby” o luma na at wala nang national character.

Sinuspinde ng Seoul ang pagsasagawa ng tour sa Diamond Mountain noong 2008 matapos may mabaril doong turista.

Ayon sa ulat, nais ni Kim na alisin na ang buong pasilidad na ang South Korean authorities ang nagpatayo.

Sa summit noong Setyembre ay nagkasundo pa sina Kim at South Korean President Moon Jae-in na muling magsagawa ng tour sa Diamond Mountain.

Read more...