Sa House Bill 5170, nais ni Lagman na ibasura ang Article 133 ng Revised Penal Code na nagpapataw ng parusang arresto mayor sa maximum period at prison correctional sa minimum period na pagkakakulong sa lalabag sa probisyon ng RPC.
Ipinaliwanag nito na ang political statement ng isang indibidwal ay hindi dapat panghimasukan ng Simbahang aKatolika pati na ang pagpasa sa Reproductive Health Bill.
Nang mamatay aniya si Celdran dahil sa atake sa puso ay saka lamang siya tuluyang nakalaya lalo’t hindi nagawa ng Korte Suprema na i-resolve with finality ang motion for reconsideration na inihain ng aktibista kaugnay sa kaso.
Dagdag pa ng kongresista, kapag naisabatas ang panukala ay hindi na mauulit ang prosekusyon sa mga kritiko na nakulong umano kahit bigong magpakita ng objective standards sa krimen.
Magugunita na noong 2010 ay naging kontrobersyal si Celdran nang bigla itong pumasok sa kasagsagan ng misa sa Manila Cathedral at itinaas ang placard na may nakasulat na “Damaso” sa kasagsagan ng pagsusulong sa RH Bill.