Necrological service para kay dating Senador Nene Pimentel idinaos sa Senado

Dumating ang mga dating nakasama sa senado, kaanak at malalapit na kaibigan ng yumaong si dating Senador Aquilino “nene” Pimentel Jr., sa necrological service para sa kaniya.

Ginawa ang necrological service sa Senado sa Pasay City.

Kabilang sa dumating para magbigay ng huling respeto sa dating senador sina dating Pangulong Joseph Estrada, dating Vice President Noli de Castro, at mga dating senador Rodolfo “Pong” Biazon, John Osmeña, Lorenzo Tañada, at Heherson T. Alvarez.

Mula Heritage Park sa Taguig ay dinala sa Senado ang mga labi ni Pimental kung saan sinalubong siya ng mga dati at kasalukuyang senador.

Dumating din ang kaniyang maybahay na si Ginang Lourdes “Bing” dela Llana.

Read more...