Ayon kay Justice Sec. Menardo Gueverra, pinadalhan na ng subpoena ng DOJ si dating PNP Chief Oscar Albayalde para paharapin sa susunod na pagdinig.
Itinakda ang pagdinig sa November 5.
Kasabay nito ay inatasan ng DOJ ang mga respondent na magsumite ng counter affidavit sa naturang petsa.
Magugunitang isinama ng PNP-CIDG ang pangalan ni Albayalde bilang respodent sa kaso hinggil sa kontrobersyal na operasyon sa Pampanga noong 2013.
Si Albayalde ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 27 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na tumutukoy sa misappropriation, misapplication o failure to account for the confiscated or seized drugs.
Kinasuhan din si Albayalde ng paglabag sa Section 3-E Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code o falsification by public officer at paglabag sa Article 208 ng Revised Penal Code o dereliction of duty.