Gretchen Barretto sinagot ang mga pahayag ng kapatid na si Marjorie

Sinagot ni Gretchen Barretto ang mga pahayag ng kanyang kapatid na si Marjorie Barretto kaugnay ng sigalot na nangyari sa burol ng kanilang ama na si Ginoong Miguel Barretto.

Ginawa ito ni Gretchen matapos na sabihin ni Marjorie na siya ang nagkaroon ng nervous breakdown nang sabunutan at sipain nito ang pamangkin na si Nicole.

Sa kanyang Instagram nagpost si Gretchen ng screenshot ng interview ni Marjorie sa ABS-CBN.

Kalakip nito ang mahabang caption kung saan nagpapaliwanag siya kung bakit hindi siya nagpunta sa ospital kung saan naka-confine ang ama.

Ayon sa aktres, hindi siya dumalaw sa ama sa ospital dahil umiiwas siya sa gulo dahil naroon aniya si Marjorie at ang karelasyon nito na si dating Mayor Echiveri.

Itinanggi rin niya na “orchestrated” ang pagpunta niya sa burol ng ama kasabay ng pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpost pa si Gretchen sa kanyang IG ng dalawang video na kuha sa burol.

Read more...