Ito ay makaraang ilang pulis ang nahulihan na nagpupuslit ng kontrabando sa loob ng bilibid.
Ayon kay NCRPO chief Police Brigadier General Debold Sinas, makikipag-usap siya sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) para talakayin ang usapin.
Aalamin din ni Sinas kay BuCor chief Gerald Bantag kung nais pa nitong panatilihin ang presensya ng mga tauhan ng NCRPO sa bilibid kasunod ng kontrobersiya.
Magugunitang 16 na pulis na pawang tauhan ng NCRPO ang iniiimbestigahan ngayon matapos mahuling nagpupuslit ng kontrabando sa bilangguan.
Inilagay muna lahat sa floating status ang 16 habang iniimbestigahan.
Bilang bahagi ng cleansing sa Bilibid ay nagtalaga si dating NCRPO Guillermo Eleazar ng mahigit 1,000 pulis sa bilangguan upang makatulong sa mga tauhan ng BuCor at BJMP.