Pagpapalit ng kable sa MRT-3 makukumpleto ngayong taon

DOTr Photo
Inaasahang sa pagtatapos ng taong 2019 ay matatapos na rin ang pagpapalit ng kable sa para sa signalling at communications system ng MRT-3.

Ayon sa DOTr – MRT 3, ang mga kasalukuyang copper wires ay pinapalitan na ng fiber optic cables.

Sinimulan ang pagpapalit noong Sept. 19, 2019 at inaasahang matatapos sa Dec. 21, 2019.

Papalitan ang kable sa buong kahabaan ng MRT-3 mula sa depot sa Quezon City hanggang Taft Avenue Station sa Pasay City.

Read more...