Ilang opisyal ng PNP dismayado sa ipinatupad na revamp – Banac

INQUIRER FILE PHOTO | EDWIN BACASMAS

Aminado ang Philippine National Police (PNP) Na ilang mataas na opisyal ang nadismaya sa ipinatupad na revamp ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ilang opisyal ang nagpahayag ng pagkadismaya nang sila ay malipat ng pwesto.

Pero ani Banac, bahagi ng career movement sa PNP ang ipinatupad na basalahan.

Sinabi rin ni Banac na naunawaan naman ng lahat na hindi naman sila permanente sa isang posisyon at mangyayari talaga ang balasahan.

Noong Lunes ay sinabi na rin ni Gamboa na hindi naiwasang madismaya ng ilang naapektuhan ng revamp.

Gayuman, sa huli ay inirespeto naman ng mga ito ang kaniyang desisyon bilang OIC ng PNP.

Read more...