Ninja cops dapat nang pangalanan ni dating PNP Chief Albayalde

Hinikayat ng ilang kongresista si dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na pangalanan na ang iba pang opisyal ng PNP na sangkot sa isyu ng ninja cops.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, dapat na maalis na ang takot at isiwalat na ni Albayalde ang buong katotohanan ngayong wala na ito sa PNP.

Kailangan na aniyang magsalita na ng kanyang nalalaman sa ninja cops si Albayalde dahil maaaring hindi sa kanya nagsimula ang modus na ito.

Naniniwala ang kongresista na posibleng may iba pang dating PNP Chief bukod kay Albayalde ang nasasangkot sa racket ng mga ninja cops.

Sinabi pa ng mambabatas na nasasayang lamang ang pasweldo ng publiko sa mga opisyal na aniya’y bantay salakay pala sa halip na nagpapatupad ng peace and order sa bansa.

Read more...