Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang maghahayag sa resulta ng kanyang medical consultation.
Magpapasuri ngayong araw si Pangulong Duterte sa isang neurologist dahil sa pananakit ng kanyang spinal column malapit sa kanyang pelvic bone bunsod ng pag-semplang sa motorsiklo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, layunin lamang ng medical consultation na matukoy ang medical condition ng katawan ng pangulo.
Nais din aniyang malaman ng pangulo kung naapektuhan ng bagong aksidente ang kanyang dati nang spinal injury na nakuha niya sa dating aksidente.
Wala naman aniyang dapat na ikabahala ang publiko sa lagay ng kalusugan ng pangulo.
“The Palace meanwhile reiterates that the public need not be apprehensive about the President’s health. His consultation with a doctor is aimed at determining the medical condition of his body, as well as finding out whether his previous spinal injury from a past motorcycle accident has been aggravated by his recent fall. The President shall inform our countrymen on the result of his medical consultation,” ayon kay Panelo.
Sinabi ni Panelo na kahit na may iniindang sakit, nakuha pa ng pangulo na dunalaw sa burol ng kanyang kaibigan na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel sa Heritage Park, Taguig.
Pagkadating kasi ng pangulo Martes ng gabi sa Villamor Airbase sa Pasay City matapos ang enthronement ni Japan’s Emperor Naruhito sa Imperial Palace sa Tokyo agad na tumuloy sa lamay ang pangulo.
Kasama ng pangulo na nagtungo sa lamay si Senador Christopher “Bong” Go.