52 volcanic earthquakes naitala sa Taal Volcano

FILE PHOTO
Nakapagtala ng 52 vocanic earthquakes sa nakalipas na 24 na oras sa Taal Volcano.

Sa pagyanig na naitala alas 7:50 ng umaga ng Martes (Oct. 22) ay naramdaman ang Intensity 1 sa bahagi ng Pirapiraso.

Ayon sa Phivolcs, nakataas pa rin ang alert level 1 sa Taal Volcano.

Pinapayuhan ang publiko na ang main crater ng bulkan ay nananatiling off-limits dahil maari pa ring magkaroon ng biglaang steam explosions.

Ang northern portion naman ng main crater rim sa bisinidad ng Daang Kastila Trail ay delikado din sa steam emission.

Ang buong Volcano Island ay itinuturing na Permanent Danger Zone (PDZ) at hindi pinapayagan ang paglapit ng publiko.

Read more...