Water level ng Angat dam nasa 186.23 meters na lang

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2019 - 07:00 AM

Nabawasan muli sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 23 ay 186.23 meters ang antas ng tubig ng Angat dam.

Mas mababa ito kumpara sa 186.46 meters na water level ng dam kahapon.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam at La Mesa Dam na ngayon ay nasa 100.43 meters at 77.53 meters.

Maging ang Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya ay pawang nabawasan ang water level.

Habang nadagdagan naman ang water lecel ng San Roque dam.

TAGS: Angat Dam, dam status, Water supply, waterlevel, Angat Dam, dam status, Water supply, waterlevel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.