Indonesia niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa Sumatra Indonesia.

Ayon sa US Geological Survey ang lindol ay naitala sa Lepulauan Mentawai alas 6:11 ng umaga ng Miyerkues, Oct. 23 oras sa Pilipinas.

Bago ang 5.6 magnitude na lindol, sinabi ng USGS na nakagpagtala din ng magnitude 5.4 na lindol sa Papua, Indonesia.

Naitala ito alas 3:15 ng umaga oras sa Pilipinas.

Wala pa namang napaulat na pinsala sa nasabing pagyanig.

Read more...