Zambales at Surigao del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng San Antonio sa lalawigan ng Zambales.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 14 kilometers northwest ng San Antonio alas 4:01 ng umaga ng Miyerkules (Oct. 23).

Ayon sa Phivolcs 23 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Olongapo City.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.0 na lindol ang Burgos, Surigao Del Norte.

Naitala ang lindol alas 5:14 ng umaga sa layong 65 kilometers northeast ng Burgos.

Tectonic din ang origin ng pagyanig at 2 kilometers lang ang lalim.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

Read more...