Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, dahil sa northeasterly surface windflow, may posibilidad ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon, buong Visayas at Mindanao may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Ligtas na makakapalaot ang mga mangingisda saanmang baybaying-dagat ng bansa dahil walang nakataas na gale warning sa kasalukuyan.
Samantala, lumakas pa ang binabantayang Typhoon Bualoi na nasa layong 2,265 kilometro Silangan ng Northern Luzon, o nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Bagama’t taglay ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometro kada oras, hindi ito inaasahang papasok ng PAR.
Ang shallow low pressure area (LPA) naman na nasa layong 1,320 kilometro Silangan ng Northern Luzon ay inaasahang malulusaw na sa araw ng Biyernes.