Granada natagpuan sa construction site sa Makati

Makati Police photo

Isang fragmentation hand grenade ang nakuha ng pulisya sa isang construction site sa Makati City, Martes ng hapon.

Ayon sa Makati City Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang Eduardo Ormatam matapos matagpuan ang pampasabog sa construction site sa Lower Azucena St. sa Brgy. Pembo.

Agad na tinungo ng mga miyembro ng Explosive Ordnance Division ang lugar at nagsagawa ng Render Safe Procedure.

Kinuha ng pulisya ang granada at dinala sa headquarters para sa proper disposal.

 

Read more...