Guwardiya patay sa pamamaril ng holdaper sa mall sa Bulacan

Buhay ang naging kapalit ng kabayanihan ng isang guwardya matapos nitong labanan ang holdaper sa Starmall San Jose Del Monte, Bulacan araw ng Martes.

Nakilala ang biktma na si Ronnie Pascua.

Ayon kay San Jose del Monte City Police chief Lt. Col. Orlando Castil, hinoldap ang isang bayad center sa nasabing mall.

Gayunman, sinubukan harangan ni Pascua ang holdaper at nauwi ito sa pagbubunuan ng dalawa.

Binaril ng holdaper ang guwardya at saka nagmadaling lumabas para tumakas.

Kasalukuyang tinutugis ng mga pulis ang suspek.

Read more...