Russia nais magtayo ng weapon production company sa Pilipinas

Courtesy of Russian Foreign Ministry

Ipinapanukala ng Russia ang pagtatayo ng isang joint-weapon manufacturing company sa Pilipinas.

Sa press briefing araw ng Martes, sinabi ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev na nais nilang magtayo ng production hub ng Russian sophisticated light arms sa bansa.

“We have a very good proposal for you Filipinos. We are ready to optimize a joint production of Russian sophisticated light arms in the Philippines,” ayon sa envoy.

Paliwanag ng Russian ambassador, ang mga armas ay Filipino products na nakabase sa teknolohiya ng Russia.

Ayon kay Khovaev, magbibigay daan ito para maging exporter ng advanced small firearms at weapons ang Pilipinas.

“They will be Filipino products based on Russian technologies… The Philippines will be the exporter of advanced small firearms and weapons,” giit ni Khovaev.

Inihayag din ng Russian envoy ang commitment ng Moscow sa defense cooperation at sa pagsugpo sa terorismo nang walang kondisyong pulitikal.

“Russia and the Philippines have common thread, called terrorism. We will continue our cooperation and help the Philippines to struggle against it, with no political conditionality,” ani Khovaev.

Handa anya ang Russia na magsuplay ng mga armas sa bansa.

Kasalukuyang umaarangkada ang modernisasyon ng gobyerno sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ngunit inaangkat ang suplay ng mga armas sa iba’t ibang bansa.

Ang pahayag ni Khovaev araw ng Martes ay matapos ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia kung saan tinalakay ang military at security cooperation, nuclear and energy interactions at labor agreements.

 

Read more...