Halos 400 mga pulis ang natanggal na sa serbisyo matapos magpositibo sa paggamit ng iligal na droga.
Ayon sa Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS), mula July 2016 hanggang September 2019, nasa kabuuang 396 na mga pulis ang nagpositibo sa droga sa kabila ng maigting na war on drugs ng gobyerno.
Nasa 378 na mga kaso ang naresolba na kung saan tanggal na sa serbisyo ang sangkot na mga pulis.
Limang pulis naman ang pumanaw bago pa magkaroon ng resolusyon ang kanilang mga kaso.
Patuloy ang internal cleansing ng PNP sa gitna na rin ng pagkasangkot ng mga pulis sa drug recycling bukod pa sa mismong paggamit ng droga ng ilan nilang mga miyembro.
MOST READ
LATEST STORIES