Tulunan, Cotabato patuloy na nakakaranas ng aftershocks

Naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa Cotabato alas 12:23 Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.3 na lindol noong October 16 na ang episdento ay sa bayan ng Tulunan.

Tectonic ang lindol na may lalim na isang kilometro.

Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:

Intensity III – Koronadal City

Intensity I – Malungon, Sarangani

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian bunsod ng aftershock.

 

Read more...