PNP-IAS: Higit 400 suspects patay habang nasa kustodiya ng pulisya

Iniimbestigahan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang dahilan ng pagkamatay ng mahigit 400 na suspects habang nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon sa PNP-IAS, ang naturang bilang ng suspects na namatay sa police custody ay mula July 2016 hanggang September 2019.

Sa record ng PNP-IAS, maliit na porsyento lamang ang mga kaso na nanlaban ang mga suspects.

Nabatid na tatlong porsyento lamang ng kabuuang bilang ang insidente kung saan nanlaban ang suspect habang nasa kustodiya ng pulisya.

Kabilang dito ang mga kaso ng pang-aagaw ng baril ng pulis kaya napatay ang suspect.

Dahil dito ay aalamin ng naturang PNP unit ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga suspects.

 

Read more...