M3.8 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-12:06 Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 79 kilometro Hilagang-Silangan ng Burgos.

May lalim ang pagyanig na 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...