Aquino administration, may “failure of leadership” sa maraming aspeto-Enrile

JPE AND PNOYIlang beses umanong nagkaroon ng ‘failure of leadership’ ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa iba’t ibang sitwasyon at kaganapan sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang presidente ng bansa.

Ito ang pananaw ni Senator Juan Ponce-Enrile sa nalalapit na pagtatapos ng termino ng administrasyong Aquino.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, ilan lamang sa mga binanggit ni Enrile na hindi naging epektibo ang pamamahala ni PNoy ay sa pagtugon sa Mamasapano incident, Yolanda, Luneta hostage crisis at marami pang iba. “Think, reflect on yourself and assert your leadership. There was a failure of leadership in Mamasapano , there was a failure of leadership in that fiasco in Luneta or Luneta hostage crisis, there was a failure of leadership in Yolanda and many others,”

Paliwanag pa ni Enrile, noong nagaganap ang engkwentro sa Mamasapano ay nasa Zamboanga si Pangulong Aquino kasama ang mga cabinet members niya pero wala silang nagawa para sana ay mailigtas pa ang mga nasawing miyembro ng Special Action Force (SAF).

Bagaman naroon aniya si Pangulong Aquino at mga miyembro ng gabinete para dumalaw sa dalawang nasawing sundalo at ilang nasugatan ay wala pa rin silang nagawa para naman mapasaklolohan ang mga SAF members sa nagaganap noong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
“His men were being slaughtered, surrounded for almost a day and he did not do anything. Can he answer that? He was in Zamboanga when the Mamasapano happened, and he was with the members if his cabinet, the chief of staff, he was with Mar Roxas, Voltaire Gazmin, he was with Butch Abad, Dinkky Soliman, Catapang and so forth, ano ginawa nila roon?” ayon kay Enrile.

Ayon kay Enrile, dapat ay suriin ni Pangulong Aquino ang kaniyang sarili at iwasan din ang pagiging paranoid at pag-iisip na laging may motibo laban sa kaniya ang mga kritiko ng administrasyon.

Read more...