Iyan ay para masiguro ang ligtas na paglalakbay ng Publiko sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ang direktiba ay may kaugnayan sa pag daraos ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019,” na handang magbigay ng ayuda sa publiko para sa kanilang taunang pag-uwi sa mga lalawigan .
Pagaganahin ang naturang programa mula ika-25 ng Oktubre hanggang sa ika-4 ng Nobyembre ng 2019.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero at motorista patungo sa ibat-ibang destinasyon sa undas, ang MHD ay magsisilbing one-stop shop para sa mga pasahero na mangangailangan ng tulong sa airports, seaports, train stations, at land terminals.
Kabilang sa mga maaring ipagkaloob na ayuda sa mga maglalakbay ay ang pagtugon sa mga transport-related inquiries, complaints, at requests for assistance tulad nang paghahanap ng masasakyan na TNVS/taxi booking; pag-facilitate ng refund ng terminal fees; pagkahatid emergency medical assistance; pagtanggap ng posibilidad ng security threats, at Marami pang iba.
Mamamahagi din ang MHDs ng Malasakit Help Kits lalo na sa mga buntis, May mga bitbit na bata, mga nakatatanda, at persons with disabilities (PWDs).
Naglalaman ang mga naturang kits ng inumin at light snacks, battery-operated fans, face towels, fordable fans, wet wipes, hand sanitizer at ballpens, at iba pa para maging komportable ang biyahe.
Iginiit ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade ang kahalagahan ng mas pinaigting na activation ng MHDs sa buong bansa.
Pinaalalahanan din ng DOTr ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo pati na ang mga naka-enroll sa technical and vocational schools na libre sila sa pagbabayad ng terminal fees sa airports na ino-operate ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), pati na sa seaports na pinamamahalaan ng Philippine Ports Authority (PPA).