Tagbina, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bayan ng Tagbina sa lalawigan ng Surigao el Sur.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay sa layong 15 kilometers southeast ng Tagbina.

Naganap ang pagyanig alas 7:49 ng umaga ng Martes, Oct. 22.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Koronadal City, South Cotabato dahil sa lindol.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay aftershock pa rin ng magnitude 6.3 na lindol sa Cotabato noong Oct. 16.

May lalim na 125 kilometers ang lindol at hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.

Read more...