Water level ng Angat dam nabawasan pa sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2019 - 06:37 AM

Patuloy na nababawasan ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Oct. 22 ay nasa 186.46 meters ang antas ng tubig ng Angat.

Mas mababa kumpara sa 186.77 meters na water level nito kahapon.

Malayo ito sa 210 meters na normal high water level ng dam.

Ang Ipo dam naman ay nasa 186.77 meters ang water level habang 77.54 meters ang La Mesa dam.

Nabawasan din ang water level ng Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Habang nadagdagan naman ang Ambuklao at San Roque dam.

TAGS: dam status, Radyo Inquirer, water level, Water supply, dam status, Radyo Inquirer, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.