4 arestado sa Anti-illegal drugs operation sa QC

FILE PHOTO/ERWIN AGUILON
FILE PHOTO/ERWIN AGUILON

Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District – Anti-Illegal Drug (QCPD-AID) ang isang bahay na hinihinalang ginagamit na drug den sa Barangay San Jose, Quezon City.

Isinagawa ang operasyon sa bahagi ng A. Bonifacio at G. Roxas Streets kung saan naaktuhan ang apat na lalaki habang nagsasagawa ng pot session.

Nakilala ang mga nadakip na suspek na sina Richard Ignacio, Eric Ricera, Charlie Garcia at Manolito Sanchez.

Todo tanggi naman ang mga suspek kahit pa naaktuhan sila na nagsasagawa ng pot session sa loob ng bahay.

Ayon sa QCPD, nakatanggap sila ng tip mula sa ilang residente sa lugar na ginagamit ang nasabing bahay bilang drug den.

Narecover sa mga suspek ang dalawang bulto ng shabu na may street value na P25,000 na may kasamang mga drug paraphernalia.

Nakumpiska rin ng mga otoridad ang isang video karera na nag-ooperate din ng iligal na sugal.

Read more...