31 patay sa bus crash sa DR Congo

Courtesy of Steve Mbikayi

Nasawi ang hindi bababa sa 31 katao matapos maaksidente ang isang pampasaherong bus sa Democratic Republic of Congo.

Sa pahayag ni Humanitarian Affairs Minister Steve Mbikayi araw ng Lunes, patungo sanang Kinshasa ang bus galing ng Lufu sa Mbanza-Ngungu province nang mawalan ito ng preno.

Bumaliktad umano ang bus at agad na sumabog dahil sa impact.

Ayon kay Mbikayi, bukod sa 31 nasawi, 18 katao pa ang nasugatan sa insidente.

Nagpalala pa umano sa pagkasunog ng bus ang dala-dalang petrolyo ng ilang mga pasaheroo.

Kinansela na ni Congolese President Félix Tshisekedi ang nakatakda sana nitong biyahe sa Japan.

Nagpaabot ng pakikiramay si Tshisekedi sa pamilya ng mga namatayan at agad na ipinag0utos sa Mbanza-Ngungu provincial government ang pagbibigay ng tulong medikal sa mga nasugatan at burial assistance sa mga nasawi.

Read more...