Ayon sa Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit, nakilala ang suspek na si Fernando Santiago na dati nang nakulong at kalalaya lang noong Setyembre.
Kumagat sa operasyon kagabi ang suspek at nabilhan ng P200 halaga ng shabu.
Matapos ang bentahan, sinalakay ang bahay ni Santiago na ginagawang drug den at dito nakuha ang higit 10 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P72,000.
Mga pinagkakatiwalaan lang ni Santiago ang nakakapasok sa drug den at bantay-sarado rin ito ng mga look-out.
Aminado ang suspek sa pagtutulak niya ng droga na kanyang ginagawa umano dahil sa hirap ng buhay.
Mahaharap muli si Santiago sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.