Nangako ang DepEd na makipag-tulungan sa mga miyembro ng Kongreso para sa epektibong implementasyon ng programa alinsunod sa Repubic Act No. 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013.
Umaasa naman ang ahensya na ang resulta ng review ay bubuhay sa inisyatibo ng mga mambabatas at iba pang stakeholders para makamit ang layunin ng K to 12 Program.
Ayon sa DepEd, makakatulong ang review upang matalakay ang program at masolusyunan ang mga problema.
Ang pahayag ng ahensya ay kasunod ng sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na consensus sa Kamara na i-review ang K to 12.
MOST READ
LATEST STORIES