Nagpasalamat ang aktres na si Angelica Panganiban sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos maaresto ang isang babae na gumamit sa kanyang credit card.
Sa kanyang tweet araw ng Lunes ay sinabi ni Panganiban na sa gitna ng pag-aakalang sadlak na sa sistema ay mayroon pa ring tapat sa serbisyo.
Ayon sa NBI International Operations Division, naaresto si Agatha Reyes sa bahay nito.
Umamin umano ang suspect na siya ang gumamit ng credit card ng aktres.
Nagamit na sa halagang P5,000 na transaksyon ang credit card ni Panganiban at tangka pa itong gamitin ni Reyes sa casino sa halagang P500,000.
Nabatid na ang nagamit na credit card ay isang renewal card mula sa bangko kaya hinala ng pulisya ay may sabwatan sa pagitan ng suspect at courier ng credit card.
Noong August 8 ay nag-tweet ang aktres na may gumamit ng kayang credit card sa Pampanga.
Hinagpis ng dalaga, bakit nagnanakaw at hindi mag-ipon ng sarili ang taong gumagamit sa kanyang credit card.
Maraming salamat NBI! Kapag akala mong, sadlak na sadlak na ang sistema… May mga tao pa din na tapat ang serbisyo. Salamat po!
— Angelica Panganiban (@angelica_114) October 21, 2019
May gumagamit ng credit card ko sa pampangga. Malapit na siya umabot sa 500k. Walang magawa mga tao. Bat d kyo mag ipon para sa sarili niyo? Bat kayo magnanakaw?
— Angelica Panganiban (@angelica_114) August 8, 2019