Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 27 hanggang 30, nasa 10.3 milyong pamilya o 42 percent ang nasabing sila ay mahirap.
Mas mababa ito sa 45 percent o tinatayang 11 milyon na naitala noong Hunyo.
Lumabas din sa SWS survey na 7.1 milyon o 29 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nag-rate sa sila ay “food-poor” o pang-mahirap ang kanilang pagkain.
Ito ay anim na puntos na mababa sa 35 percent sa second quarter survey.
Dagdag ng SWS, ang 30 percent ng “average proportion” ng Self-rated Food Poor ay tatlong puntos na mababa sa 33 percent ng average.
Samantala, tinatayang 13 percent ng mga pamilya ay bagong “non-poor” habang 5.6 pecent ang bagong “poor.”