Rep. Ongsiako-Reyes ng Marinduque, pinaaalis sa puwesto ng SC

 

Inquirer file photo

Ipinag-utos ng Korte Suprema ang agarang pagpapababa sa puwesto ng nakaupong Kongresista ng lalawigan ng Marinduque na si Rep. Regina Ongsiako-Reyes.

Kasabay nito, inatasan ng SC si House Speaker Feliciano Belmonte na papanumpain bilang halal na kongresista ng Marinduque si Lord Allan Jay Velasco na natalo ni Reyes noong 2013.

Ito ay matapos katigan ng Kataas-taasang Hukuman ang petition for mandamus na inihain ni Velasco na anak ni Justice Presbitero Velasco Jr.

Inaatasan din ng SC House secretary-general Marilyn Barua-Yap na isama ang pangalan ni Velasco sa Roll of Members ng House of Representatives oras na matapos ang panunumpa ni Velasco.

July 9, 2013 pa nagdesisyon ang Commission on Elections na ‘null and void’ ang pagkakaluklok kay congresswoman Ongsiako-Reyes na miyembro ng Liberal Party.

2013 nang kanselahin ng Comelec ang certificate of candidacy ni Reyes dahil sa pagkabigo nitong makuhang muli ang kanyang status bilang isang natural-born Filipino citizen.

Ito’y makaraang hindi makasunod si Reyes sa one-year residency requirement para sa mga congressional candidates.

Read more...