Pinay chef, tinanghal na Asia’s Best Female Chef 2016

 

Isa na namang karangalan sa bansa ang naihatid ng proudly Pinoy restaurateur na si Margarita Fores makaraang tanghalin bilang Asia’s Best Female Chef 2016 mula sa grupong Asia’s 50 Best Restaurants.

Hindi makapaniwala si Fores na naging emosyonal pa nang ianunsyo ito sa Lusso, na isa sa kaniyang mga restaurants na nasa Greenbelt 3 sa Makati.

Pabiro pa niyang tinanong kung babawiin ba sa kaniya ang parangal tulad ng kaguluhang nangyari sa Miss Universe 2015.

Si Fores ang napiling best female chef ng grupong binubuo ng 300 gourmands at mga eksperto sa industriya.

Gaganapin ang mismong awarding sa Bangkok, Thailand sa February 29.

Read more...