12 fixers arestado ng LTO-PNP-QCPD sa Quezon City

LTO-NCR photo

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Department of Transportation-Land Transportation Office (DOTr-LTO), Philippine National Police (PNP) at Quezon City Police District (QCPD) ang 12 fixers sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Iprinisinta ni LTO Law Enforcement Service Acting Director Clarence Guinto ang 12 fixers sa media araw ng Lunes.

Ang pag-aresto sa mga suspects ay kasunod ng mga reports, kabilang sa Facebook at ibang social media, kaugnay ng paglipana ng fixers sa paligid ng LTO Central Office.

Ang modus ng mga fixer ay lalapitan ang mga nagpupunta sa LTO at nagpapanggap na kabilang sa help desk ng ahensya.

Nakumpiska sa mga suspects ang ginagamit nilang mga tarpaulin para palabasin na konektado sila sa LTO..

Dahil dito, nagpaalala ang LTO sa publiko na huwag makipag-transaksyon sa mga fixers.

Paliwanag ng ahensya, ang mga fixers ay hindi pwedeng magproseso ng transaksyon kaya makipag-ugnayan lamang sa lehitimong empleyado sa mga counter ng LTO.

Read more...