“Hello, Love, Goodbye” nominado bilang Best Asian Film sa Australian Academy of Cinema and Television Arts

Nominado ang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” sa Best Asian Film category ng 2019 Australian Academy of Cinema and Television Arts.

Makakalaban ng pelikula nina Alden at Kathryn ang iba pang mga pelikula mula India, China, Japan, at
South Korea.

Ayon sa AACTA, winasak ng “Hello, Love, Goodbye” ang box office record at naging highest-grossing na pelikula sa Pilipinas.

Tinawag din ng AACTA bilang “highly relatable romantic-comedy” ang pelikula.

Ang mananalo ay iaanunsyo sa December 4.

Read more...