Miyembro ng NPA na nakatakas sa sub-provincial jail ng Allen, Northern Samar, muling naaresto

Balik-kulungan ang miyembro ng New People’s Army (NPA) tatlong araw matapos makatakas sa sub-provincial jail ng Allen, Northern Samar.

Muling naaresto si Aljon Cardenas, 19-anyos sa kanyang bahay sa barangay Dawo sa Calbayog City.

Huwebes ng gabi (Oct.17) nang makatakas si Cardenas sa pamamagitan ng pag-akayat sa anim na metro bakod ng kulungan.

Isa si Cardenas sa 50 rebelde na sumalakay sa municipal police station ng Victoria, Northern Samar noong March 28, 2019.

Tatlo ang napatay sa panig ng mga NPA at apat ang naaresto kabilang dito si Cardenas.

Read more...