Upang makapanghikayat ng mas maraming mga pasahero, hindi na tatanggap ng mga driver na may ‘body odor o ‘putok’ ang isang motorcycle taxi company sa bansang Indonesia.
Ito ang gimmick ng isang bagong tatag na motorcycle-sharing company sa Jakarta, na maihahalintulad sa mga car-sharing companies sa ibang bansa tulad ng Uber at GrabCar.
Ayon kay Aris Wahyudi, may-ari ng kumpanyang UberJeck, bago matanggap ang isang driver ng motorsiklo o kilala sa Indonesia bilang mga Ojek, idadaan muna sa ‘sniff test’ ang isang aplikante.
Sa ilalim ng ‘sniff test’, literal na aamuyin muna ng isang propesyunal na ‘armpit sniffer’ ang kili-kili ng bawat aplikante makalipas ang ilang minutong ehersisyo habang nakatapat sa isang electric fan upang malaman kung may ‘putok’ ang mga ito.
Sakaling bumagsak sa ‘sniff test’ bagsak din ang aplikasyon ng driver.
Sa ngayon, nasa mahigit 40 motrocycle-sharing companies ang nag-ooperate sa Indonesia na kapwa nag-aagawan ng mga kliyenteng maisasaky sa kanilang mga motorsiklong taxi.