Binatilyo, napagkamalang magnanakaw, napatay ng ama sa US

 

Hindi sinasadyang napatay ng isang lalaki sa Cincinnati ang 14-anyos na binatilyo niyang anak, matapos niyang mapagkamalang magnanakaw.

Ayon sa mga pulis, akala ng lalaki ay nakasakay na ng school bus ang kaniyang anak, pero bumalik pala ang binatilyo agad.

Nakarinig umano ang ama ng ingay sa kanilang basement, kaya’t tumungo siya doon para silipin kung ano ang gumagawa ng ingay habang may hawak na baril.

Nang makita niyang may tao sa basement, naiputok bigla ng ama ang baril at tinamaan ang kaniyang anak sa leeg.

Dinala agad sa ospital ang anak, kung saan siya idineklarang patay.

Ayon kay Police Lt. Steve Saunders, kinakapanayam na nila ang ama para sa iba pang detalye ng insidente, ngunit hindi naman sila naglabas ng mga pangalan.

Read more...