Ilang lalawigan sa Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makakaranas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa Quezon, Laguna at Bulacan.

Ayon sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 10:12 ng umaga ng Lunes (Oct. 21) katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa tatlong lalawigan.

Pinayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha na maaring maidulot ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...