Deployment ban sa mga OFW hindi pa rin ipatutupad sa Hong Kong – DOLE

Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapaalis ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) patungo sa Hong Kong.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sa kabila ng sitwasyon sa Hong Kong, wala pang umiiral na deployment ban sa nasabing lugar.

Sinabi ni Bello na sa pinakahuling update mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa labor attache sa Hong Kong ay ligtas ang mga Pinoy doon.

Wala pa aniyang nakikitang dahilan sa ngayon para magpatupad ng deployment ban o magpatupad ng mandatory repatriation.

Tiniyak ni Bello na patuloy namang binabantayan ng pamahalaan ang sitwasyon sa Hong Kong.

Nasa DFA aniya ang kakayahan para i-assess ang sitwasyon doon.

Sa sandaling lumala ang sitwasyon ay handa naman ang DOLE na asistihan ang mga OFW para makahanap ng ibang trabaho.

Read more...