(UPDATE) Sinibak na sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang anim na pulis na kasama sa mga kwestyunableng anti-drug operation sa Pampanga at Antipolo City.
Ayon kay Lt. Gen. Archie Gamboa, Philippine National Police (PNP) officer-in-charge, natuklasan nilang tatlo sa 13 tinaguriang ‘ninja cops’ sa Pampanga operation noong 2013 ay sangkot din sa maanomalyang drug operation sa Antipolo City noon lamang May 2019.
Kabilang sa sinibak sina Master Sergeant Donald Roque, Master Sergeant Rommel Vital, at Cpl. Romeo Encarnacion Guerrero Jr. na pawang sangkot sa dalawang operasyon sa Pampanga noong 2013 at sa Antipolo City noong May 2019.
Habang ang tatlo pa ng sinibak na sina Staff Sgt. Stephen Domingo, Pat. Lester Velasco, at Pat. Eduardo Soriano II, ay sangkot Antipolo City drug operation.
Ang resolusyon ng PNP-Internal Affairs Service na nagpapataw ng dismissal sa anim na pulis ay mayroong petsang October 10.