Mga naiambag sa bansa at buhay ni dating Senate President Nene Pimentel, inalala ng mga kongresista

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga miyembro ng Kamara sa pagpanaw ni dating Senate President Nene Pimentel.

Inalala ni Speaker Alan Peter Cayetano si Pimentel bilang masigasig na nagtulak sa federalism at malaki ang naiambag sa bansa sa pamamagitan ng matagal at tapat na pagseserbisyo.

Hindi anya makakalimutan ang kontribusyon ng dating senador sa pagpapalakas ng lokal ng pamahalaan para mapaglingkuran ang mga tao.

Sabi ni Cayetano, saksi siya sa professionalism ni Pimentel at isa ito sa mga naging inspirasyon sa kanya at sa iba pang public servants.

Tinawag naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na intellectual giant si Pimentel sa kasaysayan ng pulitika.

Ayon naman kay Bagong Henerasyon Partylist Rel. Bernadette Herrera, si Pimentel rin ang nasa likod ng partylist system dahil sa kanyang naisin na marinig ang mas maraming boses ng mga Pilipino.

Sa panig ni Iligan City Repr. Frederick Siao, si Pimentel anya ang nagsulong ng mga isyu sa Mindanao para mabigyan ito ng pansin ng gobyerno.

Read more...