Ayon kay P/Col. Jonathan Abella, direktor ng Mandaue City Police Office, sa kanilang pagtaya ay hindi bababa sa 12 ang miyembro ng grupong pumasok sa Mall.
Lima sa kanila ang hawak na ng mga pulis habang pinaghahanap ang tatlong iba pa na pinaniniwalaang may bitbit ng mga nanakaw na alahas at pera.
Kinumpirma din ni Abella na apat ang napatay na suspek matapos na manlaban sa mga otoridad.
Ang naturang grupo din ang nasa likod ng panloloob sa tindahan ng alahas at sanlaan sa loob ng Gaisano City Grand Mall sa Bacolod City noong August 2019.
Ayon kay Abella, ang panloloob ng grupo sa JCentre Mall ay parehong-pareho ng kanilang modus sa Gaisano sa Bacolod.
Inaalam pa kung magkano ang buong halaga ng alahas at cash na natangay ng mga suspek.