Antas ng tubig sa Angat dam muling nabawasan, nasa 186.77 meters na lang

Nabawasan pa sa nakalipas na 24 na oras ang water level ng Angat dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 21 ay nasa 186.77 meters ang water level ng dam.

Malayo ito sa 210 meters na normal high water level ng Angat.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.52 meters at 77.60 meters.

Maging ang water level ng Magat dam ay nabawasan din.

Habang nadagdagan naman ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon.

Read more...