20 bahay nasunog sa Zamboanga City; 2 ang sugatan

Tinupok ng apoy ang aabot sa 20 mga bahay sa sunog na naganap sa Barangay Campo Islam, Zamboanga City.

Dalawa ang naitalang sugatan sa sunog na nagsimula alas 8:25 ng gabi ng Linggo (Oct. 20).

Agad namang nag-inspeksyon si Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa naapektuhang lugar.

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng pagkain at inumin sa mga naapektuhang pamilya.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Read more...