PAGASA: Bagyo sa Pacific Ocean, mababa ang tyansang pumasok sa bansa

Patuloy ang paglayo sa bansa ng Bagyong Perla na may international name nang ‘Neoguri’ at ngayon ay tinutumbok ang Southern Japan.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, isang bagong bagyo ang binabantayan ngayon at nasa bahagi ng karagatang Pacifico.

Huling namataan ang bagyo sa layong 2,679 kilometro Silangan ng Southern Luzon.

Malayo ito sa kalupaan ng bansa at batay sa pagtaya ng weather bureau, mababa na ang tyansang pumasok pa ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pinayuhan naman ang publiko na mag-antabay pa rin sa updates ng PAGASA hinggil sa nasabing bagyo.

Ngayong araw, makararanas ng mahihinang pulo-pulong pag-ulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands at Apayao dahil sa northeasterly surface windflow.

Sa Quezon Province, Camarines Provinces at sa Catanduanes, inaasahan ang mahihina hanggang kamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, buong Visayas at Mindanao maalinsangang panahon ang mararanasan maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Wala nang nakataas na gale warning at pinapayagan na ang pagpalaot sa lahat ng babybaying dagat ng bansa.

Read more...