Kumita ng $36 million dollars ang pelikula sa opening weekend sa 2,790 North American theaters.
Halos kalahati lang ang naturang kita ng inaugural weekend ng 2014 movie na umabot sa $69 million dollars.
Ang opening weekend ng “Maleficent: Mistress of Evil” ay ang lowest opening para sa isang Disney movie ngayong taon.
Mas mababa man ang opening sa inaasahan, pinataob ng “Maleficent: Mistress of Evil” ang mga kalaban tulad ng “Joker” ng Warner Bros.’ at “Zombieland: Double Tap” ng Sony.
Pinaniniwalaang ang mas malaking kita ng Maleficent sa box-office competition ay dahil bihira lang ang movie offering para sa younger female moviegoers.
Ang “Maleficent: Mistress of Evil” na binuo sa direksyon ni Joachim Ronning ay ginastusan ng $185 million.
Halos bawi naman na ito sa kinita sa overseas makaraan ang global opening sales na umabot sa $150 million.
Bukod kay Angelina Jolie nagbalik din para sa 2019 sequel si Elle Faning kasama ang mga bago sa serye na sina Michelle Pfeiffer, Ed Skrein at Chiwetel Ejiofor.