P1.23 bilyong pondo para sa mga mahihirap na mag-aaral, hindi nagamit-COA

 

Inquirer file photo

Aabot sa kabuuang P1.23 bilyon pondo na nakalaan sana bilang tulong sa mga mahihirap na mag-aaral sa kolehiyo ang hindi napakinaban noong taong 2014.

Ayon sa Commission on Audit, noong 2014, binigyan ng P5.2 bilyong ang Commission on Higher Education o CHED bilang pondo sa pagpapa-aral ng 391,817 na mga mahihirap na college students. Gayunman, lumitaw na nagkaroon ng ‘internal control weakness’ sa pagbubukas ng mga ‘slots’ at sa proseso ng pagpapalabas ng mga allowance sa ilalim ng student financial assistance programs (Stufaps) ng CHEd.

Dahil dito, hindi nagamit ang P1.23 bilyon na bahagi ng pondo ng komisyon.

May mga nakita ring pagkukulang sa 2014 report ng CHEd ang COA tulad ng multiple payments sa 703 estudyante na umaabot sa P3.44 milyon.

Bukod pa ito sa cash advance na umaabot sa 108 milyong piso at mga tsekeng hindi na-claim ng mga benepisyaryo na aabot sa P9.3 milyon .

Read more...