US, masaya sa desisyon ng SC sa EDCA

 

Welcome para sa Estados Unidos ang naging desisyon ng Supreme Court na nagsasabing naayon sa Konstitusyon ang kasunduan nito sa Pilipinas na Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Sa statement ng US Embassy, umaasa ang kanilang hanay na makatuwang ang Pilipinas sa pagpapatupad ng mga kasunduan na nasa ilalim ng EDCA.

Una rito, 10-4-1 ang naging botohan ng SC na inanunsyo kahapon.

Ibig sabihin, sampung mahistrado ang nagsabing naayon sa Konstitusyon ang EDCA, apat ang hindi habang nag-inhibit naman si Associate Justice Francis Jardeleza dahil sa naging Solicitor-General ito.

Sinabi pa ng US Embassy na makatutulong ang EDCA para mapaigting ang pagbibigay ng rapid humanitarian assistance sa Pilipinas sa panahon ng kalamidad.

Umaasa rin ang Amerika na makatutulong ang kanilang hanay para lalong mapalakas ang puwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Read more...